Task force binuo para sa seguridad ng PBBM, VP Sara inaugurations

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng task force para sa paghahanda sa seguridad ng inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng PNP, na binuo na ang Security Task Manila at Security Task Group Davao para sa inagurasyon ng dalawang bagong mamumuno sa bansa.

Sa Manila Museum ang inagurasyon ni Marcos, samanatalang sa Davao City naman si Duterte.

Aniya, may koordinasyon na sila sa transition teams ng dalawang kampo para sa maayos na paglalatag ng security plan bunsod na rin ng mga maaring ikasang kilos-protesta at sa mga insidente ng pagsabog sa Mindanao.

“Nagstart na tayo makipagpulong sa concerned agencies particularly yung transition team ng papasok na administrasyon at nagkaroon ng ocular inspection,” sabi pa ni Fajardo.

Read more...