Paglikas ng mga residente sa Juban, Sorsogon tuloy pa rin

Screengrab from PCG’s video

Tuloy pa rin ang paglikas ng mga residente sa bahagi ng Barangay Puting Sapa sa Juban, Sorsogon.

Kasunod ito ng nangyaring phreatic eruption sa Bulkang Bulusan, Linggo ng umaga.

Base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Sorsogon, umabot na sa 47 pamilya o 173 indibiduwal ang pansamantalang nananatili sa Juban Evacuation Center.

Partikular na apektado ng pagputok ng nasabing bulkan ang bayan ng Juban at Irosin.

Read more...