Halos P7 taas-presyo sa diesel, ipatutupad sa Hunyo 7

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli na malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Seaoil, at Shell, may dagdag na P6.55 sa kada litro ng diesel habang P2.70 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P5.45 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hunyo 7).

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Seaoil, at Shell, bandang 6:00 ng umaga.

Samantala, dakong 8:01 ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...