Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 535 milyon na

Reuters photo

Pumalo na sa 535 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 535,450,586 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 86,522,561 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,181,335 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 31,153,765 naman ang kaso sa Brazil habang 29,641,606 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,540,852
– United Kingdom – 22,305,893
– Russia – 18,351,851
– South Korea – 18,168,708
– Italy – 17,505,973
– Turkey – 15,072,747
– Spain – 12,403,245
– Vietnam – 10,725,239

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,320,455 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 506,434,632 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...