Davao Death Squad namamayagpag pa rin

 

Buhay na buhay at namamayagpag pa rin ang Davao Death Squad. Limang araw pagkatapos ng halalan, May 14, dalawang armadong mga lalaki na naka-maskara ang nag-libot sa Davao City na mistulang hinahanap ang kanilang target.

Pauwi na sana ang 47-anyos na si Gil Gabrill, pero nadatnan siya ng nasabing mga lalaki.

Pinaputukan ng isa sa mga lalaki si Gabrill kung saan apat na bala ang tumama sa katawan nito na agad niyang ikinamatay.

Matapos ang insidenteng ito ay agad na umalis ang dalawang lalaki palayo sakay ng motorisklo.

Hindi naman na lingid lalo na sa mga human rights groups ang ganitong pamamaraan sa Davao para masugpo ang kriminalidad at paglaganap ng iligal na droga.

Tinatayang nasa 1,400 na nga ang sinasabing napatay ng death squad simula pa noong 1998 kabilang na ang mga adik, mga petty criminals at pati na rin ang mga batang palaboy sa kalsada.

Hindi naman direktang inaamin ni presumptive President Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa mga pagpatay na ito.

Una nang nanawagan ang Human Rights Watch sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan kung may kinalaman nga si Duterte at ibang opisyal sa pagdanak ng dugo ng mga kriminal sa lugar.

Tatlong taon ang nakalipas ay nakumpirma rin ng CHR na mayroon talagang sistematikong pagsasagawa ng extrajudicial killings ang Davao Death Squad.

Nakumbinse naman ng CHR ang Ombudsman para imbestigahan ito, ngunit dahil walang ebidensya at testigo, isinara na ang pagsisiyasat dito at sinabing ang mga ito ay pawang mga usap-usapan lamang.

Read more...