All set na ang Davao City Police Office para sa inagurasyon ni incoming Vice President Sara Duterte sa San Pedro Square sa Davao City sa June 19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Police Major Maria Teresita Gaspan, ang tagapagsalita ng Davao City Police Office, full security coverage ang gagawin sa inagurasyon ni Duterte.
“All set na po ang Davao City Police Office sa full security coverage na gagawin this June 19 ‘no, sa inauguration ng ating Vice President-elect, Mayor Sara Duterte. And at this point in time, continuous iyong planning and coordinating conference sa lahat ng security cluster na magpu-provide ng security coverage,” pahayag ni Gaspan.
Nasa 2,000 security personnel aniya ang ipakakalat sa inagurasyon ni Duterte.
Sinabi pa ni Gaspan, ide-deploy ang mga pulis sa June 18 pa lamang.
Paliwanag ni gaspan, sa June 18 kasi ay magsi-set up na ang mga mga organizer para sa physical preparation.
Sinabi pa ni Gaspan na bagamat walang namomonitor na banta, pinaigting pa rin nila ang seguridad matapos ang mga pagsabog sa Mindanao region.