Mga manggagawa sa Calabarzon at Davao, makatatanggap ng umento sa sahod

Magandang balita para sa mga manggagawa sa Calabarzon at Davao regions.

Ito ay dahil sa inaprubahan na ng Department of Labor and Employment ang umento sa sahod.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, makatatanggap ng dagdag  P47 hanggang P92 na dagdag sweldo ang mga manggagawa sa Calabarzon saa pribadonng sektor.

Nasa P47 naman ang matatanggap na dagdag sahod sa mga manggagawa sa Davao region.

Dahil dito, nasa P470 na ang minimum wage ng mga manggagawa sa Calabarzon sa nagtatrabaho sa non-agriculture sector habang nasa P429 para sa agriculture sector.

 

Read more...