Hindi pabor si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na bawiin na ng pamahalaan ang State of Public Health Emergency.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health, masyadong maaga pa para bawiin ang State of Public Health Emergency dahil nagpapatuloy pa ang banta sa pandemya sa COVID-19.
Kailangan pa rin aniya na maging mapagmatyag at maingat ang taong bayan para hindi matamaan ng virus.
Iginiit pa ni Go na dapat pa ring pairalin ang minimum public health standards.
“It might be too early to lift the State of Public Health Emergency and the necessary health protocols imposed to contain the pandemic considering the continuing emergence of new variants,” pahayag ni Go.
“These variants continue to cause an increase in hospitalization rates and we do not want to come again to a point where our healthcare system gets overwhelmed,” saad ni Go.
Matatandaang kahapon lamang, June 3, inanunsyo ng Department of Health na nakapagtala na ang bansa ng unang kaso ng Omicron BA.5 variant na mas mabilis makahawa kumpara sa ordinaryonng COVID-19.
“Patuloy lang po sana tayong mag-ingat at huwag muna magkumpyansa. Delikado pa rin ang panahon habang nandyan pa ang banta ng COVID-19. Prayoridad natin palagi na maproteksyunan ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Go.
Sinabi pa ni Go na may mga lugar pa sa bansa ang hindi pa nakakamit ang 70% vaccination rate target.