2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Zamboanga del Sur

Patay ang dalawang bata habang sugatan ang dalawang iba pa matapos sumabog ang pinaglalaruang kinakalawang na bakal sa Purok Malipayon, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Johnkin Gregorio, 8 taong gulang at John Leo Soco Miro, 6 na taong gulang.

Sugatan naman ang dalawang iba pa na sina Rhea Fe Poculan, 13 taong gulang at John Michael Miro, 7 taong gulang.

Isinugod na ang sugatan sa Pagadian City Medical Hospital.

Agad namang nilinaw ng pulisya na walang kinalaman saa terorismo o criminal group ang pagsabog.

 

 

Read more...