Iginiit ni Delgra na nakakatiyak siya na hihigit sa pagtatapos ng Hunyo ang naturang programa na nagbibigay ng libreng sakay.
Paliwanag nito, may nakalaang P7 bilyon para sa pagpapatupad ng naturang programa sa taong 2022 at aniya, gagamitin ito hanggang sa maubos.
Tiwala si Delgra na itutuloy ang programa ng susunod na administrasyon.
Ani Delgra:
WATCH: LTFRB Chairman Martin Delgra III, pinabulaanan na hanggang Hunyo 10 na lamang ang Service Contracting Program o Libreng Sakay. Sinabing aabot ito sa pag-upo ng administrasyong-BBM. | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/K7boJyAIYA
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 3, 2022
Magugunitang sinimulang ikasa ang Phase 3 ng naturang programa noong nakaraang Abril.
Samantala, nabanggit ni Delgra na may pagdinig sa mga petisyon ukol sa taas-pasahe sa hunyo at nagpasabi na ang mga naghain na magsusumite sila ng mga karagdagang ebidensiya.
Narito ang pahayag ni Delgra:
WATCH: LTFRB Chairman Martin Delgra III, sinabing magsusumite ng karagdagang ebidensiya ang mga naghain ng petisyon para sa taas-pasahe. | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/e7CvgWjdor
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 3, 2022