Ayon sa BOC, nakalagay ang ilegal na droga sa package at idineklarang “Bateria, Musical, Dulces” na isang set ng drum set na laruan.
Ayon sa BOC, galing sa Mexico ang shipment at dumating sa bansa noong Mayo 30,2022.
Kinuha ng consignee na taga-Cainta, Rizal ang kargamento kasama ang isa pang kaibigan na residente umano ng San Juan City.
Gayunman, hindi na pinaporma ang dalawa ng BOC at PDEA at agad na inaresto matapos mabatid na shabu ang laman ng kargamento.
Nasa 750 gramo ng shabu ang nakalagay sa laruan.
Kakasuhan ang dalawa sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act A 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).