Anim na pulis-Caloocan, sibak sa pwesto matapos pagnakawan ang sidewalk vendor

Sinibak na sa serbisyo ang anim na pulis na nakatalaga sa Caloocan City matapos pagnakawan ang isang sidewalk vendor ng P14,000.

Ayon sa Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS), kinilala ang mga sinibak na sina Noel Espejo Sison, 33-anyos; Rommel Toribio, 29-anyos; Ryan Sammy Gomez Mateo, 32-anyos; Jake Barcenilla Rosima, 35-anyos; Mark Christian Abarca Cabanilla, 31-anyos; at Daryl Calija Sablay, 29-anyos.

Nakatalaga ang anim sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Caloocan City Police Station.

Pinagnakawan ng anim na pulis ang vendor na si Eddie Acaso Yuson noong Abril.

Nakuha sa CCTV camera ang ginawa ng anim na pulis at nag-viral sa social media.

Read more...