Surigao del Sur niyanig ng 5.6 magnitude na lindol

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Cagwait, Surigao del Sur kaninang 2:54 ng umaga, Hunyo 3, 2022.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 16 kilometers.

Naramdaman ang Intensity IV sa Cagwait, Bayabas at San Agustin, sa Surigao del Sur habang naramdaman naman ang Intensity III sa Bislig City, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur

Ayon sa Phivolcs, naitala rin ang Instrumental Intensity III sa Tandag City, Surigao del Sur; Nabunturan, Davao de Oro; Instrumental Intensity II sa Bislig City, Surigao del Sur; Cabadbaran City, Agusan del Norte at Instrumental Intensity I sa Gingoog City, Misamis Oriental; Malaybalay City, Bukidnon; Surigao City; Abuyog, Leyte; Malungon, Sarangani.

Babala ng Phivolcs, asahan na ang pagkakaroon ng mga aftershocks matapos ang lindol.

Sinabi pa ng Phivolcs na dahil sa malakas ang lindol, maaring may mga nasirang ari-arian.

 

Read more...