Higit 180,000 operators at drivers ng public utility vehicles (PUVs) ang nabigyan na ng fuel subsidy, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Aabot sa P1.17 bilyon na ang nailabas para sa ayuda sa mga PUV drivers at operators hanggang noong Miyerkules, Hunyo 1.
Bukod pa dito ang 9,552 drivers ng delivery services na nakatanggap na rin ng katulad na tulong-pinansiyal.
Nangako naman ang ahensiya na pabibilisin ang pamamahagi ng fuel subsidy sa natitira pang mga benepisaryo, na nasa 84,157 ang kabuuang bilang.
Nabatid na may 57,841 pangalan na ang ang naipadala sa Land Bank para maproseso ang kanilang subsidiya.
Ibinibigay ang tulong para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.
MOST READ
LATEST STORIES