Inanunsiyo ng National Museum of the Philippines na pansamantalang isasara ang National Museum of Fine Arts sa Old Legislative Building sa bahagi ng Padre Burgos Drive, Maynila simula sa Hunyo 6 hanggang Hulyo 4.
Kasunod ito ng gagawing preparasyon para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hunyo 30.
“To allow for special preparations and arrangements to be presided over by the Inauguration Committee, we will need to close the National Museum of Fine Arts temporarily,” paliwanag nito.
Isang karangalan anila na mapili bilang venue ng inagurasyon ng ika-17 presidente ng bansa.
“The National Museum of the Philippines is deeply honored by the official announcement of the choice of its National Museum of Fine Arts in Manila as the venue for the inauguration of the 17th President of the Philippines, Ferdinand Marcos, Jr., on June 30, 2022,” saad nito.
Muli itong bubuksan sa publiko sa Hulyo 5 bandang 9:00 ng umaga.
Magpapatuloy naman ang regular na operasyon ng National Museum of Anthropology at National Museum of Natural ‘until further notice’.