Napadalhan na ng sulat ang isang TNC dahil sa mga reklamo na ilan sa kanilang drivers ang naniningil ng higit sa nakatakdang pasahe na naaprubahan para sa Transport Network Vehicles (TNVs).
Isa sa mga reklamo ay ang paniningil ng hanggang P1,000 para sa tinatawag na one-way ‘Priority Boarding Fee.’
Base sa fare structure, mula P30 hanggang P50 ang flagdown rate sa TNVs depende sa uri ng sasakyan at P15 dagdag sa bawat kilometro at P2 kada minuto sa biyahe.
Ibinahagi ng ahensiya ang plano na magpakalat ng ‘mystery riders’ para malaman kung sumusunod ang TNCs at TNVs operators sa itinakdang pasahe.
Ang mga mahuhuling lumalabag ay papatawan ng mga multa.