Higit P.5-B halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA sa Cavite

Screengrab from PDEA’s Facebook video

Humigit-kumulang 80 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na opersyon sa Cavite, araw ng Huwebes (Hunyo 2).

Sa ulat, bandang 8:00 ng umaga nang salakayin ang isang bahay sa Camella Homes, Dasmariñas City kung saan naaresto sina Dominador Omega Jr. at Siegfred Garcia.

Nakuha sa kanila ang humigit-kumulang 60 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon.

Kasabay nito ang ikinasang operasyon naman sa Buenavista Homes sa bayan ng Gen. Trias, na nagresulta sa pagkakahuli kina Elaine Maningas, Ricardo Santillan at Laurel dela Rosa.

Sa kabuuan, sinabi ng PDEA na tinatayang P544 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...