Binawi ng isa pang iniharap na testigo laban kay Senator Leila de Lima ang binawi ang kanyang naunang testimoniya.
Sinabi ni Filibon Tacardon, isa sa mga abogado ng senadora, base sa affidavit ni Marcelo Adorco, lumalabas na katulad ng mga naunang bumaligtad na testigo, pinagbantaan din siya para idiin si de Lima.
Sinabi ni Adorco na nakahanda na ang sinumpaang-salaysay na ginamit laban kay de Lima nang pirmahan niya ito at itinuro niya ang noon ay ang hepe ng pulisya sa bayan ng Albuera na si Chief Insp. Jovie Espenido na utak ng lahat.
Kaya’t umaasa si de Lima na isisiwalat na ni Espenido ang buong katotohanan.
Una nang binawi nina Kerwin Espinosa, dating National Bureau of Investigation (NBI) officer-in-charge Rafael Ragos, at Joel Capones ang kanilang mga naunang testimoniya, gayundin si Ronnie Dayan, na dating driver-security aide ni de Lima.
Una nang hiniling ng kampo ni de Lima sa Department of Justice (DOJ) na bawiin na ang mga isinampang kaso laban sa senadora dahil sa sunud-sunod na pagbaligtad ng mga testigo.