Bomb courier ng terror group, napatay sa North Cotabato

Napatay ng mga sundalo ang isang hinihinalang bomb courier ng isang terrorist group sa North Cotabato.

Kinilala ni Col. Jovencio Gonzales, commander ng Army 602nd Infantry Brigade, ang napatay na si Monir Lintukan.

Napatay aniya si Lintukan sa pakikipagbarilan sa mga sundalo sa Barangay Dunguan sa bayan ng M’lang.

Sinasabing kabilang ang napatay sa mga responsable sa pagpapasabog sa isang bus sa Koronadal City kamakailan.

Arestado naman ang kanyang kasamahang si Randy Saro, alyas “Bobong”.

Pinaniniwalaang kapwa miyembro ng grupong Dawiyah Islamiyah ang dalawa.

Read more...