Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na

Photo credit: @thejasonabalos/Instagram

“Patugtugin na ang kampana!”

Engaged na ang aktor na si Jason Abalos at beauty queen na si Vickie Rushton.

Ibinahagi ni Jason sa Instagram ang larawan kung saan suot na ni Vickie ang engagement ring.

“Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba,” mensahe ni Jason sa kaniyang fiancé.

Ani Jason, noong Miyerkules, Hunyo 1, isinagawa ang proposal at ang sagot ni Vickie, “syempre”.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga kasamahan sa showbiz at tagasuporta.

Read more...