Sa ginanap na Stratbase Albert del Rosario Institute towards Beyond the Crisis – A Strategic Agenda for the Next President forum, natalakay ang ibat-ibang isyu na kahaharapin ng papasok na bagong administrasyon.
Kabilang sa mga napag-usapan ang magiging foreign policy at seguridad ng bansa.
Sa talakayan, sinabi ni Prof. Dindo Manhit, pangulo ng Stratbase ADR Institute at CEO at managing director ng Stratbase Group, ang presensiya ng China sa WPS ang isa sa 10 mahahalagang isyu sa mga Filipino.
Diin nito na napakahalaga sa mga Filipino na ipaglaban ang teritoryo ng bansa, ang ating maritime rights at dapat diin aniya igiit ang panalo ng Pilipinas sa International Arbitration Tribunal noong 2016.
“I think we can connect, we may able to connect more clearly now because of the global food issue which is driven by supply chain, destruction of the supply chain and in fact the threat in our area. For me the thing that hits you at the household level will destruct supply chain,” paliwanag ni Monsod.
Pinangangambahan nito na sa unang taon ng administrasyong-Marcos Jr. ay mararamdaman ng mga Filipino ang pandaigdigang krisis sa pagkain.