Kasunod ng mga yumaong Pangulong Manuel L. Quezon, Jose p. Laurel at Manuel Roxas, sa makasaysayang National Museum of the Philippines manunumpa si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Hunyo 30.
Uupong ika-17 pangulo ng Pilipinas si Marcos Jr.
Nabatid na nakapagsagawa na ng ocular inspection sa museo ang Inaugural Committee si incoming Presidential Management Staff (PMS) Sec. Zenaida Angping.
“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-epect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” ani Angping.
Idinisenyo ang museo ng Bureau of Public Works noong 1918 bilang National Library of the Philippines at natapos noong 1926.
Taon 1935, iprinoklama ang Philippine Commonwealth sa naturang museo, na kinilala ng National Assembly Building, bago nawasak sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muling inayos noong 1950.
Una nang ikinunsidera, ayon pa kay Angping, ang Quirino Grandstand, ngunit sa tapat nito ay nakatayo pa ang Manila COVID 19 Field Hospital.