UST graduate, pinangunahan ang 990 na pumasa sa May CPA examination – PRC

PDI FILE PHOTO

Kabuuang 990 sa 4,442 examinees sa Certified Public Accountant (CPA) licensure examination ang nakapasa.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) isinagawa ang examination noong Mayo 22 hanggang 24 sa Metro Manila, Baguio City, Cagayan de Oro City, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal City, Legazpi City, Lucena City, Pagadian, Pampanga, Tacloban City, Tuguegarao City, Rosales at Zamboanga City.

Nanguna sa eksaminasyon si Jhoone Cyrelle dela Cruz Nacario, ng University of Sto. Tomas, sa kanyang iskor na 88.83%.

Nagsalo naman sa ikalawang puwesto sina Darleen May Baria, ng San Beda University at Yanna Jillianne Cruz, ng Poltechnic University of the Phils, sa kanilang iskor na 88.1%.

Pumuwesto naman sa 3rd place si Charlene Mae Perez, mula din sa UST, na may iskor na 88%.

Read more...