Gumagawa na ang pambansang-pulisya ang database system kaugnay sa patuloy na pagkasa ng ‘war on drugs.’
Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon, ‘accurate at accessible’ ang ginagawa nilang database system.
Paliwanag niya ang database na ginagawa ng PNP Information Technology Management Service para sa Drug-Related Data Integration and Generation System ay magsisilbing digital library ng lahat ng datos, intelligence report at iba pang mga impormasyon na may kinalaman sa kampaniya laban sa droga.
“Numbers and figures help us see an honest evaluation of our progress. In addition, I would like to emphasize that our strategy and field operations should be based on intelligence-given data,” ani de Leon.
Dagdag pa niya; “There is no room for speculation when real lives are at stake. It is essential for us to have operational data in order to have an accurate picture of the situation.”
Pag-amin ng opisyal ang operational data ang isa sa mga mahahalagang isyu na palaging natatalakay sa tuwing sinusuri ang mga resulta ng kampaniya.