Hindi na muna nagbigay ng pahayag ang Malacañang Press Corps (MPC) sa balakin na bigyan ng akreditasyon ang bloggers sa mga magiging coverages sa administrasyong-Bongbong Marcos Jr.
Unang inanunsiyo ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Trixie Angeles ang balak niya na i-accredit ang bloggers sa mga Palace briefings.
Sa inilabas na pahayag ng MPC, maglalabas na lamang sila ng komento kapag natuloy at naglabas na ng guidelines si Angeles.
“The Malacañang Press Corps will defer comment on the matter until the details of the proposed policy are threshed out by the incoming PCOO leadership,” ang pahayag ng MPC.
Ang mga bloggers ay walang sinusunod na code of ethics at wala din employer hindi katulad ng mga lehitimong mamahayag.