Sa kabila nang pagkatalo ng oposisyon sa nakalipas na eleksyon, sinabi ni reelected Senator Risa Hontiveros na hindi mawawala ang oposisyon.
Ayon sa nag-iisang tunay na oposisyon sa Senado, bagamat masakit ang nangyari sa kanila, marami naman aniya silang natutunan na leksyon.
Ani Hontiveros, gagamitin nila ang mga naturang leksyon para mas pagtibayin ang kanilang mga adbokasiya at patuloy na iparamdam sa mamamayan na may lumalaban para sa kanilang kapakanan.
Ngunit idiniin niya na susuportahan nila sa oposisyon ang mga programa ng papasok ng administrasyon na sa kanilang palagay ay magpapabuti ng buhay ng maraming Filipino.
Naibahagi rin ni Hontiveros na tumanggi siya sa imbitasyon na maging bahagi ng ‘super majority’ sa Senado dahil gusto niyang manatili sa minoriya.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Hontiveros:
WATCH: Nag-iisang tunay na opposition Sen. @risahontiveros, sinabing magpapatuloy na magiging aktibo ang oposisyon sa pagpasok ng bagong administrasyon. | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/BGpe12tV64
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 1, 2022
WATCH: Ang saloobin ni Sen. @risahontiveros sa pagkatalo ng oposisyon sa nakalipas na eleksyon. | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/INfiQmrlvg
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 1, 2022