Missile test ng North Korea, kinondena ng Pilipinas

Mariing kinondena ng Pilipinas ang panibagong missile test na ginawa ng North Korea.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ikinatuwiran na maaring maapektuhan ng naging hakbang ng North Korea ang kapayapaan sa Korean Peninsula.

“The Philippines condemns the latest missile test by the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) on May 25 2022, which undermines peace and stability in the Korean Peninsula, the entire region and the world,” ayon sa DFA.

Kasabay nito ang panawagan ng Pilipinas sa North Korea na sumunod sa mga obligasyon na itinakda sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.

Hiniling din sa Northe Korea na makipagkasundo para sa mapayapang pag-uusap.

Tatlong missile tests ang isinagawa ng North Korea kasabay nang pagtatapos ng state visits ni US President Joe Biden sa ilang bansa sa Asya.

Read more...