320 small business owners sa Quezon City, nabigyan ng ayuda

Quezon City government photo

Aabot sa 320 small business owners ang binigyang ayuda ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Belmonte, tig-P50,000 ang ibinigay na tulong-pangkabuhayan sa mga benepisyaryo.

Galing aniya sa Districts 1 hanggang 6 ang nakatanggap ng karagdagang puhunan mula sa pamahalaang lungsod, sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) Capital Assistance program.

Sumailalim muna sa masusing verification process ng Social Services Development Department (SSDD) ang mga benepisyaryo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Belmonte na mas ibinaba na ng Quezon City government ang mga serbisyo nito sa mga QCitizen para mas marami ang matulungan, sa tulong ng buwis mula sa mga mamamayan.

Sa mga nais maging bahagi ng programang ito, maaaring makipag-ugnayan sa Vocational Development Division ng Social Services Development Department sa 8703-3576.

Read more...