Dating PNP Chief Eleazar, ilang party-list groups naghain na ng SOCE

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Naghain na ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) si dating PNP chief Guillermo Eleazar.

Kumandidatong senador si Eleazar sa 2022 national elections subalit natalo.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, bukod kay Eleazar, naghain na rin ng SOCE ang mga party-list group na Abono, Senior Citizen, at Bisaya Gyud.

Pinapaalalahanan ng Comelec ang lahat ng kumandidato sa katatapos na eleksyon na magsumite ng kani-kanilang SOCE ng hanggang Hunyo 8 o isang buwan matapos ang eleksyon.

Kasong administratibo at multa na P1,000 hanggang P30,000 ang maaring kaharapin ng isang kumandidatong pulitiko kapag hindi nag-sumite ng SOCE.

Hindi rin maaring makaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato kung hindi makapaghahain ng SOCE.

Read more...