Birthday wish ni Pangulong Duterte kay VP-elect Sara: “Good health”

“Good health.”

Ito ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anak na si incoming Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, hangad din ng Pangulo ang tagumpay ni Duterte bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

“The President’s wishes for our Vice President-elect are good health and success in her role as the second-highest official of the land,” pahayag ni Andanar.

Nagdiriwang si Duterte-Carpio ng kanyang ika-44 kaarawan sa araw ng Martes, Mayo 31.

Read more...