Sinabi lamang ni Danao Jr. na sesentro ang magiging kampaniya sa pagpigil na kumalat ang mga droga, gayundin ang pagpapaintindi sa mga kabataan sa mga masamang epekto nito.
“The PNP will be relentless and this will be a no let-up campaign on the war against drugs and of course when you say war on drugs definitely if someone fights, we will always implement the rule of law,” sabi ng hepe ng pambansang-pulisya.
Inatasan na aniya niya ang police commanders na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at Department of Health (DOH) para sa rehabilitasyon ng drug users.
Naniniwala si Danao na kung mailalayo ang mga kabataan sa mga droga ay maikukunsiderang tagumpay ang kanilang solusyon.
Una nang hiniling ni Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang nasimulan niyang kampaniya laban sa droga.