Combustible material, ugat ng sunog sa M/V Mercraft 2?

PCG photo

Nadiskubre ng Philippine Coast Guard (PCG) na may combustible material na karga ang nasunog na M/V Mercraft 2 sa karagatang sakop ng Real, Quezon, isang linggo na ang nakakalipas.

Magugunitang pitong sakay ng naturang sasakyang-pandagat ang nasawi sa trahedya noong Mayo 23.

Sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na nagsagawa sila ng pag-iimbestiga, katuwang ang Maritime Industry Authority (MARINA), para malaman ang ugat ng sunog.

Ang sinasabing materyales na madaling masunog ay nasa ‘deck’ ng M/V Mercraft 2 at maaring ang mainit na panahon ang naging mitsa para ito ay masunog.

Hindi naman nabanggit ni Abu kung anong uri ng materyales ang kanilang nadiskubre.

Pagtitiyak lamang ng opisyal na magpapatuloy ang imbestigasyon sa trahedya.

Read more...