DOH hinimok ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak na babae kontra HPV

hpv presscon may 25 ricky
Photo by Ricky Brozas

Hinimok ng Department of Health o DOH ang mga magulang na may anak na babae na edad sampu hanggang labing dalawang taong gulang na pabakunahan sila laban sa Human Papilloma Virus o HPV.

Ang HPV ayon sa DOH ay maaring mauwi sa cervical cancer na posibleng ikamatay ng pasyente.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Health Secretary Janette Garin, sa halip na magdusa dahil sa epekto ng HPV ay mas mainam na pabakunahan ang mga bata sa naturang edad dahil maari naman itong maiwasan.

Libre din naman aniya na ipinagkakaloob ng DOH ang naturang bakuha sa lahat ng mga health centers sa buong bansa.

Ito aniya ay nakapaloob sa mas pinalawak na programa ng DOH hinggil sa National Immunization Program.

Layunin din umano ng programa na mailayo ang mga kababaihan hindi lamang sa HPV kundi sa iba pang sakit tulad ng genital warts, vaginal at anal cancers.

Batay sa datos ng DOH ang cervical cancer ang pangalawa sa mga nangungunang sakit na ikinamamatay ng mga Filipina.

Read more...