Gabriela, hiniling sa Comelec na itama ang computation sa party-list elections

gabriela may 25 erwin 1
Photo by Erwin Aguilon

Sumugod sa punong tanggapan ng Comelec sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros Maynila ang mga miyembro ng Gabriela Women’s Party kaugnay sa kanilang hirit na ibigay ang isa pang pwesto sa kongreso para sa kanilang partido.

Kinalampag ng grupo ang Comelec dahil sa sinasabing pagkakamali sa computation ng komisyon dahilan upang dalawang congressional seats lamang ang naibigay sa Gabriela.

Photo by Erwin Aguilon

Dapat anilang itama ng komisyon ang kanilang computation at ibigay sa kanila ang ikatlong seat.

Ayon sa Gabriela, partylist Rep. Emmi De Jesus dapat igalang ng Comelec ang mahigit sa isang milyong botong nakuha nila kaya marapat anilang itama na agad ng komisyon ang computation.

Mistula anilang pinagkakaitan ng maling computation ang mga moro women na magkaroon ng representasyon sa kongreso.

Read more...