Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Mayo 30, 2022, nakapagtala ng bagong kaso ng nakahahawang sakit na 1,317 simula Mayo 23 hanggang 29.
Mas mababa ito ng 8.8 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 16 hanggang 22.
Nasa 188 naman ang daily average cases.
Samantala, may 12 na bagong severe and critical cases habang walan namang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 17.2 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,073 sa 23,612 non-ICU beds ang gamit.
16.8 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 459 sa 2,730 ICU beds ang gamit.
Nasa 679 naman ang severe and critical admissions, o 12.3 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.