Pangulong Duterte, balak magturo pagkatapos ng termino

PCOO photo

Balak magturo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City oras na matapos na ang kanyang termino sa June 30.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ang kanilang napag-usapan ni Pangulong Duterte.

Hindi naman na tinukoy ni Medialdea kung saang eskwelahan sa Davao City at kung anong subject ang ituturo ni Pangulong Duterte.

Nagtapos si Pangulong Duterte ng abogasiya sa San Beda College.

Samantala, sinabi ni Medialdea na nakipagpulong na ang transition team na kanyang pinamumunuan sa kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay para sa maayos na paglilipat ng kapangyarihan para sa susunod na administrasyon pati na ang gagawing inagurasyon.

Read more...