Ilan pang personalidad, itinalaga bilang bahagi ng gabinete ng BBM admin

Photo credit: Presumptive president Bongbong Marcos/Facebook

Inanunsiyo ng kampo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang ilan pang personalidad na magiging bahagi ng binubuong Gabinete ng kaniyang administrasyon.

Sa press briefing, sinabi ni incoming press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na magiging parte ng susunod na administrasyon ang mga sumusunod:
– Maria Zenaida Anping, kalihim ng Presidential Management Staff
– Christina Frasco, kalihim ng Department of Tourism
– Amenah Pangandaman, kalihim ng Department of Budget of Management
– Ivan John Enrile Uy, kalihim ng Department of Information and Communications Technology
– Erwin Tulfo, kalihim ng Department of Social Welfare and Development

Si Anping ay dating kongresista ng ikatlong distrito ng Maynila simula 2007 hanggang 2016.

Si Frasco naman ay tagapagsalita ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Nanalo rin si Frasco bilang alkalde ng Liloan, Cebu sa nagdaang eleksyon.

Samantala, nagsisilbi naman si Pangandaman bilang assistant governor sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Chairman si Uy ng dating Commission on Information and Communications and Technology sa adminitrasyon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Kilala naman si Tulfo bilang broadcaster.

Lahat ng Cabinet nominees ay kailangan pang makakuha ng kumpirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA).

Read more...