Higit isang buwan bago ang pagtatapos ng administrasyong-Duterte, umaabot na sa P89.29 bilyon halaga ng ibat-ibang uri ng droga ang nasamsam simula noong 2016.
Sa huling datos na inilbas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa nabanggit na halaga, P76.55 bilyon ang halaga ng nasamsam na 11,843.41 kilo ng shabu.
Nakumpiska din ang 530.24 kilo ng cocaine, 163,483 piraso ng ecstasy at 10,482.21 kilo ng marijuana.
Dagdag pa ng PDEA, 1,156 drug dens ang sinalakay gayundin ang 19 clandestine laboratories.
Sa ngayon, 25,061 sa 42,045 barangays sa bansa ang idineklarang ‘drug-free, bukod sa 6,574 barangays na walang kaso ng paggamit o bentahan ng droga.
MOST READ
LATEST STORIES