Sinimulan ngayon araw ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas ang pagbabakuna ng mga sanggol, edad 0 hanggang 23 buwan.
Target sa pagkasa ng Chikiting Bakunation na mabakunahan ang 4,000 sanggol sa ibat-ibang barangay sa lungsod alinsunod sa proyekto ng Department of Health.
Ilan sa mga bakuna na maaring maibigay sa mga sanggol ay BCG o kontra TB at tigdas, Penta-hib o 5-in-1, at Oral Polio.
Layon ng Chikiting Bakunation na mabakunahan ang mga sanggol at bata na hindi pa natuturukan ng ‘fundamental vaccines’ o hindi nakumpleto ang mga kinakailangang bakuna dahil sa COVID 19 lockdowns.
Binisita ng mga kinatawan ng DOH ang unang araw ng pagkasa ng programa sa Barangay CAA para sa monitoring at evaluation.
Nabatid na ang bakunahan ay tatagal hanggang sa Hunyo 10 sa 20 barangay sa lungsod.
Kasabay nito inatasan nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang City Health Office na mag-focus sa proyekto para na rin sa kaligtasan ng mga bata laban sa ibang sakit.