100% face-to-face classes sa SY 2022 – 2023 tinitingnan ng DepEd

Ikinukunsidera na ng Department of Education (DepEd) ang 100 porsiyentong face-to-face classes sa School Year 2022 -2023.

“Sa next academic school year, ine-expect natin na fully 100 percent na talaga ang pag-implement ng face-to-face classes,” sabi ni Sec. Leonor Briones.

Binanggit nito na may rekomendasyon na makapagsagawa ng in-person classes sa 34,238 paaralan sa bansa, 33,064 ang public schools samantalang 1,174 naman ang private schools.

At ito ay 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong paaralan sa bansa.

Paglilinaw naman ng kalihim, ito ay depende pa rin sa lokal na pamahalaan at Department of Health (DOH).

Sa ngayon, may ilang mga paaralan na ang nagpapatupad ng limited face-to-face classes dahil na rin sa pag-iral ng Alert Level 1.

Read more...