Nagsawag ng on-the-sport inspection ang mga opisyal ng Movie Television Review and Classification board (MTRCB) sa mga bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA.
Sa isinagawang inspeksyon, dalawang pampasaherong bus na Bovjen Bus at AC trans ang natuklasang nagpapalabas ng unrated na panoorin habang sila ay bumibiyahe.
Ang Cher Transport bus naman, walang nakapaskil na abiso mula sa MTRCB na naglalaman dapat ng paalala na tanging mga rated PG materials lamang ang pwedeng ipalabas sa mga bus.
Ayon kay MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal, dapat ay dumaan sa ahensya ang lahat ng DVD at CD materials na ipapapanood sa loob ng isang passenger bus.
Ibig sabihin, ang pwede lamang ipalabas sa mga bus ay ang mga pelikulang na-review at na-classify ng MTRCB at dapat ang mga ito ay rated PG lamang.
MTRCB Chair reminds responsible adults and bus drivers to be mindful of the materials children watch. pic.twitter.com/MeyaWeQTcw
— MTRCB (@MTRCBgov) May 25, 2016
Pinatawad at pinagsabihan ng mga opisyal at tauhan ng MTRCB ang nahuling walang poster na may paalala ng ahensya habang padadalhan ng subpoena para humarap sa adjudication ang dalawa pang bus na nagpapalabas ng unrated na panoorin.
Paliwanag ng MTRCB, bilang proteksyon sa mga pasaherong kabataan, lalo pa ngayong malapit na ang pasukan, mahalagang alam ng mga tsuper at kunduktor ng bus na ang mga panooring rated PG lang ang dapat ipinapakita sa mga pampublikong sasakyan.
Sa ilalim ng joint administrative order sa pagitan ng MTRCB at LTFRB, maaring makulong ng mula tatlong buwan hanggang isang taon, multang P3,000 hanggang P5,000 at maaring makansela ang prangkisa ng isang bus na naglalabas ng malalaswa at hindi angkop na pelikula sa mga kabataan.
BM Jojo Salomon, head of adjudication committee, explains best practice conferences for buses in cases of violations pic.twitter.com/tQfrdSFJOg
— MTRCB (@MTRCBgov) May 25, 2016