PNP: Walang banta sa inagurasyon nina PBBM, VP Sara

Sinabi ni PNP Officer-in-Charge Vicente Danao Jr., na handa silang magpadalang karagdagang pulis para sa inagurasyon nina President-elect Bongbong Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte.

Una nang nagpahayag ang kampo ni Duterte na ang inagurasyon nito ay magaganap sa Davao City sa Hunyo 19.

Pagtitiyak pa ni Danao na nakahanda ang buong-puwersa ng pambansang pulisya sa anumang maaring mangyari at aniya nakikipag-ugnayan na sila sa dalawang kampo.

Ayon pa rin kay Danao, sa ngayon ay wala silang namo-monitor na banta sa dalawang inagurasyon.

Sinabi na rin ni Police Brig. Gen. Roderick Alba, director ng PNP-Public Information Office, na handa ang kanilang Police Security and Protection Group (PSPG) na tumulong sa Presidential Security Group (PSG) sa pagbabantay sa magkahiwalay na inagurasyon.

Read more...