Celebrity makeup artist – hairstylist, James Cooper,73, pumanaw na

JAMES PARKER FB PHOTO

Namayapa kahapon sa edad na 73 ang international makeup artist at hairstylist na si James Cooper.

Sa mga naglabasang ulat, naghahanda sa pagdaraos ng Santacruzan si Cooper nang atakehin diumano ito sa puso.

Agad itong isinugod sa isang pagamutan ngunit binawian na ito ng buhay.

Unang nakilala sa Hollywood si Cooper bilang make-up artist nina Farrah Fawcett, Jamie Lee Curtis at Victorian Principal noong dekada ’70 bago ito sumikat pa sa Pilipinas.

Si Diamong Star Maricel Soriano, na kilalang malapit kay Cooper, ang unang nag-post sa kanilang social media account ng mensahe ng pakikiramay.

“Thank you for the many years of love and friendship, and treating me like your own daughter. You have been a big part of who I am today and I am forever grateful. I love you Mother Goose… Till we meet again,” ang Instagram post ni Soriano.

Read more...