Marcos hindi magpapatupad ng dagdag singil sa buwis

 

Walang dagdag na buwis na ipatutupad si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Attorney Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos, hindi napag-uusapan ang paninigil ng dagdag na buwis.

Katunayan, ayon kay Rodriguez, pinag-aaralan ni Marcos ang pagpapatupad ng posibleng tax relief para sa mga maliliit na negosyante na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.

Sinabi pa ni Rodriguezz na pawang mga espekulasyon lamang aniya ang sinasabing magpapatupad ng dagdag na buwis ang susunod na administrasyon.

Una nang sinabi ng Department of Finance na kinakailangan ng susunod na administrasyon ng P249 bilyong dagdag na buwis para mabayaran ang P3.2 trilyong inutang dahil sa pandemya sa COVID-19.

 

Read more...