Ang nakolektang buwis ay 18.6 porsiyentong mas mataas kumpara sa nakolektang P6.2 bilyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Iniulat kay Finance Sec. Carlos Dominguez III ni Customs Comm. Rey Guerrero na mula sa nabanggit na panahon, 1.26 milyong metriko tonelada ng imported rice ang pumasok sa bansa.
Ito aniya ay mas mataas ng 43.3 porsiyento sa na nakolekta noong Enero hanggang Mayo 2021.
Basa sa RA 11203 o ang Rice Tariffication Law, ang sobra sa P10 bilyong makokolekta mula sa taripa ng imported rice ay ilalagay naman sa Rice Competitiveness Enhancement Fund para sa Rice Farmer Financial Assistance.