Sen. Bong Go umapila sa mga magulang na pabakunahan ang anak

Sinegundahan ni Senator Christopher Go ang pag-apila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na pabakunahan ng proteksyon kontra COVID-19 ang kanilang mga anak.

Muling ipinaalala ni Go ang kahalagahan ng bakuna sa pagsasabing; “Pabakunahan mo na anak mo. Anak ninyo ‘yan eh. So huwag ka sanang magkaproblema diyan sa anak mo. Siguraduhin mo na lang na makabakuna pa, tapos may proteksyon.”

Binanggit pa nito na tiwala siya na dumaan sa masusi at maingat na pagsusuri ang mga bakuna.

Kumpiyansa din ang senador na ang bakuna ang susi para mapagtagumpayan ng lahat ang nakakamatay na sakit.

Kailangan lang din aniya na lubos na mapaintindi sa mga magulang na ang bakuna ang pinaka-epektibong proteksyon sa COVID 19.

Dapat din aniya sa mga doktor at health experts naniniwala at nagtitiwala at hindi sa mga kung ano-anong impormasyon lamang sa social media.s

Read more...