Siyam na kaso ng monkeypox ang naitala sa Amerika.
Ayon sa ulat ng US Centers for Diseases and Control Prevention, naitala ang mga kaso sa Massachusetts, Florida, Utah, Washington, California, Virginia at New York.
Nabatid na walang history ng international travel ang mga nag-positibo sa monkeypox.
Ayon sa ulat, pawing mga lalaki na nakipagtalik sa kapwa lalaki ang nag-positibo sa monkeypox sa Amerika.
Nasa mahigit 20 bansa na ang nakapagtala ng kaso ng monkeypox.
Wala pa namang naitatalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas sa ngayon.
MOST READ
LATEST STORIES