Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, magdadala pa rin ang naturang weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Caraga, at Davao region.
Asahan naman aniya ang maaliwalas na panahon sa nalalabing parte ng bansa, kabilang ang Metro Manila.
Ngunit, hindi inaalis ni Ordinario ang posibilidad na makaranas ng mga panandaliang pag-ulan.
Sa susunod na tatlo hanggang limang araw, wala aniyang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na maaring mabuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
READ NEXT
Kampo ni Marcos, itinangging may ‘media exclusion’ matapos ma-interview ng tatlong network ang susunod na pangulo
MOST READ
LATEST STORIES