Pinakamataas na bilang ng commuters ng MRT-3, naitala noong Mayo 25

Nakapagtala muli ng pinakamataas na bilang ng pasaherong naserbisyuhan sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa datos ng pamunuan ng MRT-3, umabot sa 353,147 na pasahero ang naserbisyuhan sa linya ng tren noong Miyerkules, Mayo 25.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.

Bunsod pa rin ito ng ipinatutupad na libreng sakay at pagpapatakbo ng 14 hanggang 16 na 3-car CKD train set, apat na 4-car CKD train set sa mainline.

Nitong Miyerkules lamang, inanunsiyo ang pagpapalawig ng libreng sakay program sa MRT-3 hanggang Hunyo 30, 2022.

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamunuan ng MRT-3 ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

Read more...