Napaulat na COVID-19 cases sa mundo, mahigit 529 milyon na

Manila PIO photo

Pumalo na sa 529 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 529,759,094 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 85,440,340 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,144,820 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,846,602 naman ang kaso sa Brazil habang 29,413,371 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,205,002
– United Kingdom – 22,276,975
– Russia – 18,305,973
– South Korea – 18,036,720
– Italy – 17,312,432
– Turkey – 15,065,767
– Spain – 12,280,345
– Vietnam – 10,712,733

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,306,291 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 6,306,291 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...